Wednesday, November 24, 2010

Kung Maari Lang Sana

Akalain mo nga naman. Makikita ko rin pala ang kamukha ni Han Ga In sa loob ng fx. Ansaya naman ng byahe ko kanina. Bihira akong magdasal ng traffic sa buhay ko pero kanina nagdasal ako ng mga 3 oras ang traffic sa Aurora... kaso ang bilis ng byahe.


Mga palingon-lingon, tingin sa reflection sa side window at iba pa. Makita lang ang mukha mong ngayon ko na lang siguro makikita sa buong buhay ko. Tapos ngumiti ka pa.


Tulala na lang ako. Alam kong limitado lang ang oras natin sa mundo at kailangan nating ienjoy ang mga sandaling masasaya. Kagaya nitong araw na to. Sandaling kaligayan sa loob ng fx.


Kung maari lang sana kitang makausap at makilala, ok na. Tutal malapit lang naman ng onti ang bahay mo pwede kitang ipagluto, ipagbake, ipaglaba at ihatid-sundo... at kung anu ano pa. Kaso lumipas na ang sandaling yun. Wala na. Hay.




"Malas mo."

- me to self


FML.





0 comments:

Post a Comment