Thursday, November 11, 2010

Flat Bread




Closure. Refers to a conclusion to a traumatic event or experience in a person's life; an individual’s desire for a firm solution as opposed to enduring ambiguity.


Yan ang sabi ni wikipedia.

Kahapon, nag-usap kami tungkol sa relation naming dalawa. Puno na naman ng iyakan ang pagtatagpong iyon. Nalaman ko kasi na may balak nang makipaglive-in ang babaeng minamahal ko dun sa lalaking nagngangalang Francis. Hindi ko siya kilala. Kinuwento nya lang sakin na dati niyang manliligaw or lover ang lalaking iyon. Pag di pala kami magkasama, siya ang kasama niya. Habang nag-aalala ako sa kanya dahil sa hindi niya pagtext sa gabi kung nakauwi na ba siya o hindi, kasama niya pala siya.

Di ko alam na may nangyayari pala sa likod ng inakala kong storya ng pag-iibigan namin. Mali ako. Maling mali.

Habang binubuhos ko ang lahat ng pagmamahal ko, binubuhos nya ang kanyang pag-ibig na hindi ko naramdaman. Tinago ng mga yakap at halik ang katotohanan.

Ang hirap pala pag hindi ikaw ang piniling mahalin ng isang tao. Sinabi naman niyang gusto nya ako pero hindi pa umabot sa level na mahal na niya ako.

Natural. Naisip ko. Halata naman sa paraan ng pag-uusap nila kung gaano kahalaga ang lalaking iyon sa kanya. Sinabi nya pa sa akin na mas magwowork kami in the long run dahil nagcocomplement ang skills at personality namin. Bagay kami. Sana. Gaano ka pa kagaling o qualified hindi ka pa rin uubra kung hindi ka nya mahal.

Sinabi ko na ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya tumutulo ang uhog ko at umiyak ng balde-balde. Ang sakit. Nanghina ako ng sobra.

Sa bandang huli, puro yakap at halik na lang ang tinanggap ko. Wala siyang masyadong sinabi. Ako lang ang nag-emote ng todo. Hindi ko nga alam kung totoo siyang umiyak at naawa lang sa kalagayan ko.

Nagpaalam nako sa kanya. Sinabi ko na hindi ko kayang makita siya habang masaya siya sa taong ngayon ko lang nalaman na katabi niya sa likod ng eksena. Sabi nya, hindi pa naman sigurado kung tuluyan nang magiging sila kaya kakayanin ko bang maghintay sa kanya.



Oo, ang sabi ko.



Sa lagay, isa lang akong reserba. Isang option.


Kung iisipin, bago pa man ito mangyari ay inaasikaso namin ang pagdiskubre ng panibagong recipe para sa tinapay. Overnight naming ginawa iyon. Sa bandang huli, hindi umalsa ang tinapay. May kulang. Mayroon siyang hindi nailagay. Kahit gaano pa kagaling ang pagmasa at gaano kasarap ang ingredients, hindi pa rin siya ganap na tinapay. Oo, pwede pa rin siyang kainin pero hindi siya mabebenta. Wala siyang halaga.

Parang tinapay, ganun lang din siguro ang nangyari sakin. Binigay ko naman ang oras at effort pero may kulang. Hindi ko natanggap ang kanya. Wala rin siguro akong halaga.


Sabi nga sa patuka, “may paraan ang utak para pamanhidin ang pakiramdam mo, kailangan mo lang hintayin ‘yun.”. Hihintayin ko na lang yun.



0 comments:

Post a Comment