Saturday, October 16, 2010

Hanggang sa muli

Siguro naman sa halos na apat na araw na walang matinong tulog ay nahanap ko na ang sagot sa problema ko. Ang hirap tanggapin ng katotohanan lalo na pag ikaw ang nasa side ng mga talunan. Hindi ko alam kung tama ang naisip ko pero nasabi ko na sayo ang nararamdaman ko. Bahala ka na. Bahala na rin ako. Ngayong gabing ito (o madaling araw) sana naman makakuha nako ng mahabang pahinga. Gusto ko pa rin gumising pag dating ng umaga pero sana wala na yung sakit sa dibdib ko. Kailangan ko na ulit kumilos patungo sa kinabukasan. Hindi na lang siguro ako aasa gaano sa mangyayari satin. Gulatin mo na lang ako at gugulatin din kita. Makakalimutan ko rin yung nakita ko pero hindi pa siguro ngayong gabi. Hindi kita sinisi. Bago pa rin naman ako sa mundo mo kaya hindi ko inaasahan na makamit ang bagay na kinainggitan ko sa kanya at sayo. Gagawin ko na lang ang lahat para maging matatag at maging mature.

Bukas, ngingiti na ulit ako. Alam kong may napulot naman akong aral sa nangyari. Alam ko na ang gagawin sa susunod kung makakaharap ko ulit ito. Hanggang sa muli. Salamat.



Oo nga pala, gumana ang hiniling mo queen of bitterness. Mukang hindi nga ako naging masaya. Pero may hangganan din ito. Ang hiling ko hindi mo na sana maramdaman ang naramdaman ko at makahanap ka ng taong hinahanap mo. Pasensya na at hindi ko nagampanan ang trabaho ko noon. Salamat din sa alaala.



Panahon na para magpahinga. Masakit na rin ang ulo ko. Sawa na rin ako sa maalat na tubig. Paalam ngayon. Hello bukas.

0 comments:

Post a Comment