Wednesday, October 13, 2010

Coup de grace

Sabi nila, huwag kang magpakasaya masyado dahil may kapalit itong kalungkutan o kaya naman ay baka mamatay ka na kinabukasan. Parang ganun ang tema. Kinakapa ko ngayon ang aking sarili. Malamig na ang palaging mainit na mga kamay ko. Malamig din ang simoy ng hangin. Buhay pa ako pero pakiramdam ko namatay na ang bagay na nagbibigay sakin ng buhay..




Dalawang araw na lang, ikapitong buwan nung una tayong nagkakilala. Naaalala ko pa noon may bisita sa bahay. Ang sungit ng dating mo nung pumasok ka sa bahay namin at nagtanong ng madaming bagay ukol sa aking mga produkto at iba pa. Di ko akalaing tatagal hanggang ngayon ang mga bagay. Di ko alam kung magtatagal pa.

Kanina lang katabi pa kita sa kama at kayakap. Masaya ako nung mga sandaling iyon. Mababaw lang ang kaligayahan ko. Ayaw kitang gisingin kaya nagiwan na lang ako ng note sa tabi mo. May bago ka palang telepono. Parang katulad lang din to ng dati mong gamit. Hmm.. Kailangan ko ng umalis.






I love you.






Yan ang sabi mo dun sa Francis sa phone mo.





Nakarinig ako ng tunog ng nabasag na bagay at may nalasahan na maalat na tubig.




the end.

0 comments:

Post a Comment