Nakita na naman kita kagabi. Kasama na naman kita sa paglakbay sa mga lugar na napuntahan ko na at hindi ko pa napuntahan. Kamusta ka naman? Ang ibang anyo mo ay hindi ko kilala at ang ibang anyo mo ay nagpaalala sa mga dati kong kilala. Kamusta ka naman? Napadalaw ka ata ulit. Sayang at sandali lang ating pagkikita. Masaya naman ang paglilibot natin dun sa mundong iyon. Sana maintindihan ko ang gusto mong ipahiwatig. Hanggang sa muling pagkikita.